Rapist na ama patay sa engkuwentro sa Bulacan

Rapist na ama patay sa engkuwentro sa Bulacan

July 14, 2021 @ 6:13 PM 1 year ago


BULACAN – Patay ang isang manyakis na ama na nang nanggahasa sa kanyang dalawang paslit na anak matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Marilao,Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rene Manaog,construction worker ng Brgy.Sta.Rosa 1,Marilao,

Sa report,nangyari ang engkuwentro bandang 7:05 pm nitong Martes,July 13 sa naturang lugar.

Ayon sa Marilao police,inireklamo ng panganay na babae ang kanyang mismong ama nang panggagahasa sa dalawang nakakabatang kapatid na 8 anyos at 3 anyos.

Nabatid sa report at sa salaysay na rin ng panganay na kapatid na babae ay paulit-ulit na ginahasa ng ama ang 8 anyos niyang kapatid na babae at inabuso rin bandang 7:30 pm noong July 12.

Lumabas din sa imbestigasyon,nakita rin minsan ng panganay na nakakubabaw ang kanyang ama sa kanyang 3 anyos na kapatid na babae habang nanunuod ng porn videos.

Dahil dito, rumesponde ang mga pulis subalit nang makarating sa lugar ay agad silang pinaputukan ng suspek.

Ginantihan ng mga back up police ang putok ng suspek na ikinamatay nito kalaunan.

Narekober sa lugar ang cal.38 Armscor 200 na may serial number 43668,mga basyo at bala. Dick Mirasol III