Rapist na Australian, hinatulan ng habang buhay na pagkakulong

Rapist na Australian, hinatulan ng habang buhay na pagkakulong

June 14, 2018 @ 9:07 AM 4 years ago


Cagayan, Philippines – Hinatulan ng panghabang buhay na pagkakulong ang isang Australian pedophile na si Peter Scully sa Cagayan De Oro City ng mapatunayan itong guilty sa 1 count of trafficking at 5 counts of rape dahil sa sexual abuse ng 8 na babae kasama ang isang 18 months na sanggol.

Kasama niyang naaresto ang kaniyang kalive-in partner na si Carme Ann Alvarez na napatunayan din nagkasala sa kasong pang-aabuso ng 2 minor de edad ayon sa inilabas na record ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37.

Naaresto na noong February 2015 sa Malaybalay City, Bukidnon si Scully dahil napag-alaman na siya ang nasa likod ng “Destruction of Daisy”, isang serye ng sex videos na nagpapakita ng mga babaeng nira-rape at sinasaktan kung saan humarap siya sa 75 na kaso ng sexual assault at trafficking ng mga Pinoy minor de edad na.

Sinabi ng NBI na ang cybersex operation ng Australiano ay itinatayo niya sa mga mahihirap na bahagi ng bansa upang masuhulan niya ang mga bata ng pagkain at pera para pumayag silang makipagisex sa kaniya habang kinukuhanan ng video na siya namang ibebenta niya online.

Si Scully ay nahaharap pa sa 69 other charges na kinabibilangan ng 8 counts of qualified trafficking, 5 counts of syndicated child pornography, 9 counts of child abuse, 5 counts of indecent shows, obscene exhibitions and publications, 4 counts of child pornography, 25 counts of photo and video voyeurism at 13 counts of rape. (Remate News Team)