Rapist na mambibiktima sa parke sinakote

Rapist na mambibiktima sa parke sinakote

August 19, 2022 @ 12:13 PM 1 month ago


MANILA, philippines – Nasakote ng Valenzuela Police sa parke ang isang rapist habang umano’y naghahanap ng bagong bibiktimahin.

Agosto 16 nang dakmain sa Valenzuela City People’s Park sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City si Leo Gutierrez, 37, na may nakabinbing kasong two counts of Rape at two counts ng Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610.

Inisyu ang order laban kay Gutierrez noong Agosto 12, 2022 ni Presiding Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City Family Court Branch 16.

Walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip para sa kasong rape, habang P180,000 ang pyansa sa bawat count ng kasong Acts of Lasciviousness. Merly Iral