Rapist na MMDA constable arestado sa Rizal

Rapist na MMDA constable arestado sa Rizal

July 7, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nadakma ng Quezon City Police District (QCPD) District Intelligence Division (DID) ang dating MMDA constable na nahaharap sa kasong rape apat na taon na ang nakalipas at kabilang sa Top Most Wanted ng nasabing lungsod.

Kinilala ni DID Chief PLTCOL Cristine Tabdi ang nadakip na si Reynaldo Bolio Rigor, 39-anyos, residente ng #132 Sinagtala St., Brgy. Pinagkaisahan, Q.C.

Base sa ulat, dakong alas-5:45 ng gabi nang ikasa ang operation sa San Isidro, Rodriguez Montalban, Rizal sa pamumuno ni PMAJ Loreto Tigno kasama ang labintatlong tauhan nito.

Lumalabas na amg biktima na itinago sa pangalan na “Maria” ay naglayas sa kanilang bahay sa Camarines Norte matapos na makatampuhan ang kanyang ina.

Sinasabi na nang bumaba sa Cubao Quezon City si Maria at humingi ng tulong kung saan ang sakayan pabalik sa kanilang probinsya ay dito na nilapitan ni Rigor ang biktima ay isinakay nito sa kanyang motorsiklo at sinabi na kanya niya itong hahatid sa sakayan.

Subalit imbes na sa terminal ng bus, dinala ng suspek si Maria sa isang apprtelle at doon ay hinalay at pagkatapos na pagsamantalahan ay ipinunta nito ang menor de edad sa kaibingan kung saan ginahasa din ang biktima.

Nakapiit na ang suspek ay walang kaukulang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito. Jan Sinocruz