Rapist nahawa ng AIDS sa babaeng ginahasa

Rapist nahawa ng AIDS sa babaeng ginahasa

July 10, 2018 @ 3:34 PM 5 years ago


Isang rapist ang hindi na kailangang bitayin dahil unti-unti na rin siyang mamamatay nang matuklasan na nahawa siya ng AIDS sa babaeng kanyang ginahasa.

Huli na ang pagsisisi ni Richard Thomas, 27, nang ipaalam sa kanya ng mga pulis ang tungkol sa medical status ng kanyang biktima.

May malala na raw HIV-AIDS ang babaeng kanyang nireyp at malamang na nahawa na rin siya ng nakamamatay na virus.

Ayon kay Thomas, kilala niya ang babaeng nireyp at alam niya na may sakit ito, ngunit hindi niya alam AIDS carrier pala ito.

Nang malaman ni Thomas ang katotohanan, hiniling niya sa mga prosekyutor na madala siya sa ospital upang masuri. Ngunit kinakailangan pang dinggin ng Liverpool Crown Court ang kanyang request.

Ayon sa ulat, pinasok ni Thomas ang biktima sa bahay nito sa Leigh, Greater Manchester at nagising na lamang na ginagapang ng suspek.

Hindi umano pumalag ang babae at sa halip ay nagpaubaya na gahasain ni Thomas.

“She froze and no words were exchanged. He pulled up his shorts and left,” ayon kay prosecutor Harry Pepper.

“He was arrested and interviewed and said he had been drinking heavily, taken cocaine and ecstasy and could not recall the incident,” anang prosekyutor tungkol kay Thomas.

“It is his own fault, if he had not committed this offence he would not have placed himself in this position.” (Nats Taboy)