Rapist sa 11-anyos, himas-rehas

Rapist sa 11-anyos, himas-rehas

September 29, 2022 @ 10:35 AM 2 months ago


BAMBANG, NUEVA VIZCAYA- Himas-rehas na ang ang 21-anyos na magsasaka na gumahasa at nakabuntis sa 11-anyos na bata sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ipinalabas ni Judge Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30 Bambang ang warrant of arrest sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa laban sa aksusado.

Ayon kay PMaj. Eric Ferrer, hepe ng Bambang Police Station ay pinasok ng akusado ang biktima sa kaniyang silid at pinagsamantalahan.

Nagbanta umano ang pinaghihinalaan na papatayin ang biktima kapag nagsumbong king kaya naisakatuparan ang malagim na pagnanasa ng akusado.

Nasa bukid ang mga magulang ng biktima nang gahasain ng pinaghihinalaan na nakikitira lamang sa bahay ng mga magulang ng bata.

Depensa umano ng pinaghihinalaan na may relasyon sila ng bata.

Tuluyang sinampahan ng kaso ang akusado at dinakip ngayong araw.

Nagbunga naman ang panggagahasa ng akusado at nagsilang na ng sanggol ang biktima.

Nanindigan ang mga magulang ng biktima na itutuloy ang kinakaharap na kaso ng akusado upang mabigyang katarungan ang kanilang anak. Rey Velasco