Rapist sa Albay, arestado sa Isabela!

Rapist sa Albay, arestado sa Isabela!

September 11, 2022 @ 9:38 AM 3 weeks ago


AURORA, ISABELA- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang akusado sa kasong rape sa probinsya ng Albay matapos na maaresto dito sa Barangay Fuyo, Ilagan City, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Angelo Pagulayan, hepe ng Aurora Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusadong si Bonifacio Balitian, 50-anyos, may-asawa at tubong Barangay San Andres, Sto Domingo, Albay, Bicol na pansamantala naninirahan dito sa siyudad ng Ilagan.

Base sa inisyung warrant of arrest ng hukuman na isinilbi ng mga pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng Aurora PS, Ilagan City PS, Isabela PPO, Albay PPO at iba pang otoridad ay matagumpay na naaresto ang akusado sa paglabag sa Section 5 (b) ng R.A 7610 na may inirekomendang piyansa sa halagang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantala nasa kustodiya ng Aurora Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco