Rapist sa Aurora nalambat sa Isabela

Rapist sa Aurora nalambat sa Isabela

August 10, 2022 @ 10:55 AM 2 months ago


SAN GUILLERMO, ISABELA- Nalambat ang tinaguriang rapist at nasa Top 4 Most Wanted Person o TMWP sa bayan ng Dipaculao, Aurora ng pulisya dito Barangay Dietban, San Guillermo, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng San Guillermo Municipal Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusado ay nakilalang si Samuel Madriaga Jr y Dumanas, 38-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Dietban, San Guillermo, Isabela.

Sa pangunguna ni PMaj. Villanueva ay isinilbi ang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Alejandro Javier Genota, Presiding judge, Family Court, 3rd Judicial Region, RTC Branch 1, Baler, Aurora sa kasong Rape na may kaugnayan sa RA 7610 docketed under CC number 2022-07-7529 na walang kaukulang piyansa.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon na nakatakdang ipasakamay sa bayan ng Dipaculao, Aurora para sa tamang disposisyon. Rey Velasco