Rapist sa RII, nalambat sa Bataan

Rapist sa RII, nalambat sa Bataan

January 2, 2023 @ 4:54 PM 4 weeks ago


CABARROGUIS, QUIRINO – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa region 02 na akusado sa panggagahasa matapos matuntun sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Alion, Mariveles, Bataan.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Augusto Bayubay, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office o QPPO, kinilala ang akusadong si Noel Hular y Israel, 42 anyos, binata at residente ng Cabarroguis, Quirino na pansamantala naniirahan sa Brgy. Alion, Mariveles, Bataan.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Remalie C. Corbe-Cardenas, ng Regional Trial Court Branch 32, Cabarroguis, Quirino na may petsang July 18, 2022 dahil sa kasong panggagahasa.

Katuwang ng mga tauhan ng Cabarroguis Municipal Police Station sa paghuli sa akusado ang mga operatiba ng RIU2-PIT Quirino, RIU3-PIT Bataan, Mariveles MPS, Bataan PPO, W2 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force.

Walang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Pansamantala nasa pangangalaga na ng Cabarroguis Police Station ang akusado para sa kaukulangbdukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco