Rapper Cardi B, nagsilang ng baby girl

Rapper Cardi B, nagsilang ng baby girl

July 12, 2018 @ 10:17 AM 4 years ago


 

Isinilang na ng rapper na si Cardi B ang anak nila ng kaniyang asawa na si rapper Offset matapos niya itong ianunsyo sa social media kahapon (July 11).

Baby girl ang anak ng mag-asawang rapper at pinangalan nila itong Kulture Kiari Cephus, ayon sa post ni Cardi B sa kaniyang Instagram account kasama ng nude pregnancy photo niya at pinaliligiran ng mga bulaklak.

View this post on Instagram

Kulture :’)…no better feeling ❤️🌸

A post shared by MOSTHATEDCARDI (@iamcardib) on

Ang pangalan ng bata ay halatang inihango sa album na ‘Culture and Culture II’ ng grupong Migos, ang rap group kinabibilangan ng asawa ni Cardi B.

Bukod pa rito, ang totoong pangalan din ni Offset ay Kiari Cephus.

Matatandan na noong nakaraang linggo kinumpirma ni Cardi sa isang statement sa siya at si Offset, 26-anyos, ay sikretong ikinasal noong September.

Ang totoong pangalan ni Cardi B ay Belcalis Almanzar.

Inanusyo niya ang kaniyang pagbubuntis noong siya ay lumabas sa “Saturday Night Live” nitong April. (Remate News Team)