Rappler, ‘business as usual’ kahit na walang certificate of registration

Rappler, ‘business as usual’ kahit na walang certificate of registration

July 29, 2018 @ 9:29 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang operasyon ng news website na Rappler kahit na ibinasura ng Court of Appeals noong Huwebes (July 26) ang apelang baliktarin ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang certificate of registration nito.

“We are hopeful that the SEC will reverse its previous decision revoking Rappler’s Certificate of Registration, especially since all of the questioned PDRs were already transferred to individual Rappler staff. In the meanwhile, it’s business as usual for Rappler,” sabi ni Rappler counsel Francis Lim sa statement.

Hindi pa nakatatanggap ng kopya ng desisyon ng CA ang Rappler ngunit nagpahayag na ito ng kahandaan para patunayang hindi sila lumabag sa anumang batas.

“We will study it upon receipt and avail of legal remedies and seek all avenues in order to show that Rappler did not violate the Constitution,” sabi pa niya.

Ibinasura ng CA ang apela ng Rappler matapos mapag-alaman na ang news site ay naibenta ng $1 million sa Philippine Depositary Receipts sa US-based Omidyar Network.

Ang pagbenta ng PDR sa isang foreign company ay lumalabag sa Philippine law na nagsasabing ang mga media company ay dapat 100% na pagmamay-ari at kontrolado ng mga Pilipino. Remate News Team