Rappler CEO Ressa pinayagang makalabas ng bansa

Rappler CEO Ressa pinayagang makalabas ng bansa

March 14, 2019 @ 4:53 PM 3 years ago



Manila, Philippines – Pinayagan ng Manila Regional Trial Court si Rappler CEO Maria Ressa para sa tatlong biyahe nito sa ibang bansa ngayong Marso at sa Abril.

Inisyal na pinababayaran ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang P500,000 o kalahating milyon para sa travel bond ng journalist na nahaharap sa kasong cyber libel.

Pero kalaunan ay pumayag ang korte na ibaba ito sa P300,000 sa bisa ng urgent motion na inapela ng kampo ni Ressa na nagsasabing sobra-sobra ang hinihinging travel bond.

Nakatakdang  tumulak si Ressa sa Singapore, San Francisco, Italy, at sa New York. (Remate News Team)