Raptors wagi sa game 1

Raptors wagi sa game 1

April 28, 2019 @ 2:58 PM 3 years ago


NBA – Humataw nang todo si Kawhi Leonard at nasungkit ang kanyang career playoff best nang makakuha ng 45 points at 11 rebounds sa 108-95 win ng Toronto laban sa Philadelphia sa opening game ng kanilang Eastern Conference semifinal.

Nagdagdag naman si Pascal Siakam ng 29 points at seven rebounds para sa Raptors habang nagtala si Kyle Lowry ng nine points at eight assists.

Si JJ Redick ang nanguna sa 76ers taglay ang kanyang 17 points habang nakadale si Joel Embiid ng 16 points at eight rebounds.

Umabot din sa 14 points at 15 rebounds ang nasikwat ni Tobias Harris habang 14 points at nine rebounds ang nakuha ni Ben Simmons.

Pinagsamang 21 points naman ang nasungkit nina James Ennis III at Jimmy Butler.

Ibinaon ng Raptors ng hanggang 19 points ang 76ers pero nakahabol ito at umabot na lamang sa 11-point lead sa fourth quarter.

Pinaghahandaan naman ng Raptors ang Game 2 dahil tiyak na babawi ang Philadelphia. GP/JC