Raquel Pempengco, nangungulila kay Jake Zyrus!

Raquel Pempengco, nangungulila kay Jake Zyrus!

July 16, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


Manila, Philippines – May pinagdaraanang muli si Raquel Pempengco, ang ina ni Jake Zyrus.

Namatay kasi nitong July 14 ang panganay niyang kapatid na si Rey.

Kanser sa atay ang ikinamatay nito.

Matatandaang nitong Abril ay magkasunod na namatay ang kanyang inang si Tess Relucio at kapatid na si Robert.

Nagkataon namang nasa Amerika si Jake kaya hindi nakauwi sa burol ng lola’t tiyuhin.

Sa kabila ng panawagan ni Raquel na makipag- ugnayan man lang ang anak ay hindi ito ginawa ni Jake.

Sa muling pagkakataon, nananawagan si Raquel sa pamamagitan ng PEP na kung maaari’y huwag naman siyang tikisin ni Jake.

Aniya, hindi naman daw financial support ang habol niya sa anak kundi moral support sa gitna ng pinagdaraanan.

Maano raw ba na aluin siya ni Jake sa pagsasabing kakayanin ni Raquel na maitawid ang kanyang problema.

Obyus na nangungulila si Raquel sa kalinga at pagdamay ng anak.

Matatandaang nakaraos si Raquel sa gastos nang mamatay ang ina’t kapatid dahil sa tulong ng mga kamag-anak, dating katrabaho at tagahanga ni Jake noong Charice pa ang pangalang gamit nito.

Aware daw si Raquel na marami ang kumakampi kay Jake, pero hindi raw alam ng mga ito ang mga tunay na pangyayari sa kanilang pamilya.

Kailan kaya lalambot ang puso ni Jake? Ronnie Carrasco III