Rash Flores, pipiliting lumangoy kay Nadine Lustre!

Rash Flores, pipiliting lumangoy kay Nadine Lustre!

March 29, 2022 @ 5:50 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagsigawan ng newbie sexy actor na si Rash Flores na bet na bet niya ang aktres na si Nadine Lustre.

Ito ay kahit na may rumored boyfriend pa ito na foreigner na naka-base sa Siargao na si Cristophe Bariou.

Sa final mediacon kasi ng Vivamax Original Movie, Island of Desire, kung saan isa si Rash sa mga leading men, ay naitanong sa cast kung saang island nila gustong mag-vacay this summer since tag-init na at marami na ang nag-a-out of town para mag beach o magswimming.

Sa lahat ng cast ay naiiba ang sagot ni Rash.

“May trauma po ako sa dagat o sa swimming pool. Muntik na kasi akong malunod noong bata pa ako kaya may phobia talaga ako sa bodies of water.

“And I have to admit na hindi rin ako marunong lumangoy.

“Pero kung si Nadine ang makakasama ko sa isang out-of-town trip sa beach, e, pipilitin kong lumangoy,” sabi pa ni Rash at saka naman siya kinantyawan ng kanyang mga co-actors.

Kasama ni Rash sa Island of Desire sina Christine Bermas, Sean de Guzman, at Jela Cuenca, helmed by veteran director Joel Lamangan.

Mapapanood na sa Vivamax ang Island of Desire simula April 1, 2022. JP Ignacio