Rasyon ng mga pagkaing ‘ready-to-eat’ ilulunsad ng DOST, PH Army para sa ‘men-in-uniform’ 

Rasyon ng mga pagkaing ‘ready-to-eat’ ilulunsad ng DOST, PH Army para sa ‘men-in-uniform’ 

July 12, 2021 @ 8:27 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagsanib-pwersa ang Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) at Philippine Army sa paglulunsad ng ‘ready-to-eat’ na rasyon ng pagkain para sa mga ‘men-in-uniform’ sa gitna ng pakikipaglaban at delikadong operasyon.

Sa isang Zoom meeting, pinirmahan na ng DOST-ITDI, Research and Development Center (RDC), at Army Support Command (ASCOM) ng Philippine Army ang Terms of Reference (TOR) nitong July 2, 2021. 

Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña, ang TOR na ito ay konektado sa isasagawang kolaborasyon ng mga nabanggit na institusyon para sa proyektong “Development and Field Testing of RTE Foods as Food Ration for Men in Uniform during Combat and other High-Risk Operations.”

“The project involves the development and field testing at identified sites of the Philippine Army of six RTE foods such as chicken adobo, beef curry, steamed rice, adobong kangkong, chicken afritada, and bangus sisig,” pahayag ni de la Peña noong Biyernes, Hulyo 9. 

Popondohan ng DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) ang proyekto. 

Layunin nitong maisagawa ang mga proseso kagaya ng schedule para sa RTE foods, pag-iimbak at pagmo-monitor sa shelf-life ng mga pagkain, paghawak at pamamahagi ng mga rasyong pagkain sa gitna ng pakikipaglaban, pangalan at disenyo gayundin ang packaging nito. RNT/EM – trainee