Rate hike ng BSP dulot ng inflation, asahan pa – Fitch

Rate hike ng BSP dulot ng inflation, asahan pa – Fitch

February 20, 2023 @ 2:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Asahan pa rin ang tuloy-tuloy na rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2023 dahil pa rin sa epekto ng inflation.

Ito ang sinabi ng Fitch Solutions nitong Lunes, Pebrero 20 kung saan inaasahan umano ang implementasyon ng 50 basis points na rate hike ng BSP sa susunod na pagpupulong, kasunod ito ng 50 bps hike noong nakaraang Huwebes, Pebrero 16.

Ayon sa Fitch Solutions, posibleng umabot pa sa 6.50 percent ang interest rates ngayong taon, mas mataas sa pagtaya na 6%.

Ang kasalukuyang benchmark interest rate na ginagamit ng mga banko sa loan ay nasa 6% na, at tumaas ng cumulative 400 bps simula noong nakaraang taon.

“The latest decisions were mainly driven by concerns over persistently high inflation, and we think that the BSP’s tightening will continue into H123 to tame inflationary pressures,” ayon sa Fitch Solutions.

“Beyond that however, a stabilization in global monetary conditions and headwinds to economic growth will give the BSP enough reason to leave rates on hold throughout the remainder of 2023,” dagdag nito.

Matatandaan na noong Enero ay pumalo sa 14-year high ang inflation sa 8.7% na doble sa 2 hanggang 4% na target range ng pamahalaan. RNT/JGC