Ravena bros, Paras minalas sa B League

Ravena bros, Paras minalas sa B League

January 3, 2022 @ 8:37 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umano maganda ang pasok ng bagong taon  para sa magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Kobe Paras, at ang kani-kanilang mga squad matapos malasap ang pagkatalo sa kanilang mga unang laro ngayong 2022 sa Japan Professional Basketball League (B.League).

Natalo si Kiefer at ang kanyang koponan ng Shiga Lakestars sa Akita Northern Happinets, 94-77, kung saan nalimitahan lamang ang Filipino player sa anim na puntos sa 19:53 minutong paglalaro.

Ang mga laro noong Linggo at Lunes ng Shiga ay ginawa rin ang pangangalap ng pondo para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.

Samantala, umiskor ng 10 markers ang kapatid ni Kiefer na si Thirdy sa 103-71 pagkatalo ng San-en Neophoenix laban sa Kawasaki Brave Thunders.

Samantala, may anim na puntos si Paras sa 88-68 pagkatalo ng Niigata Albirex BB laban sa Sun Rockers Shibuya.

Sa aksyon ng Division 2, natalo rin ang magkabilang koponan nina Juan Gomez de Liaño at Kemark Cariño.

Bumagsak sa 5-23 ang koponan ni Juan na Earthfriends Tokyo Z matapos ang isa pang kabiguan sa Fukushima Firebonds, 90-83.

Noong Sabado, natalo rin ang koponan sa Firebonds, 87-77. Si Juan ay hindi bahagi ng lineup ng koponan para sa parehong laro.

Samantala, si Cariño at ang kanyang Aomori Wat’s squad ay natalo sa Rizing Zephyr Fukuoka, 86-75, kung saan nagtala lamang siya ng 3:40 minutong aksyon.JC