Ravena, MILO, Pido bisita ng TOPS

Ravena, MILO, Pido bisita ng TOPS

September 16, 2020 @ 2:45 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bagong mga sports program ang ilalatag ng MILO Best Center sa pangunguna ni Kiefer Ravena na nagsisilbing brand ambassador at Best Center graduate sa kanilang pagdalaw sa TOPS Usapang Sports on Air bukas (Huwebes).

Makatutuwang ni Raven sa pagpapaliwanag sa bagong programa ng sports sina Luigi Pumaren, ang brand Sports Executive at Monica Jorge ang Executive Vice President ng Best Center.

Paglulunsad din ng Best Center programs online ang kanilang ihahayag sa diskusyon kasabay ng pagpapalakas pa sa Home Court Programs.

Magkakaroon din ng mensahe si basketball MVP Ravena hinggil sa kanyang makabuluhang partisipasyon sa bagong mga Best Center program, mga update sa kanyang career at paanyayang mensahe sa mga aspiring player.

Samantala, nakatakda ring maging guest si Mr. Joel Sabile, ang Bloodrunner Multisports Founder kasama ang kanyang maybahay na si Josephine Sabile upang talakayin ang  pagpapalawig pa ng kanilang adbokasiya na tumulong sa mga katutubong Dumagat, Mangyan at Aetas.

Tampok ding mga guest sina Wushu SEAG gold medalist Agatha Wong, coach Bonnie Tan at coach Pido Jarencio. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...