Ravena, tinanggap ang pagiging Ambassador ng SBP

Ravena, tinanggap ang pagiging Ambassador ng SBP

June 5, 2018 @ 4:47 PM 4 years ago


PBA- Suspendido si Kiefer Ravena hanggang August 24, 2019 matapos matuklasan ang tatlong banned substances sa kaniyang katawan na umano’y nakuha nito sa pre-workout drink na “Dust”.

Sinasabing bawal ang mga ito sa ilalim ng listahan ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon, tinanggap na ni Kiefer Ravena ang alok para maging ambassador ng Samahan ng Basketbolista ng Pilipinas (SBP) para maisulong ang kampanya laban dito.

Sabi ni Ravena, “If I can be an instrument of this advocacy in the Philippines, I’ll be open to helping other athletes avoid being in this position where I am right now.”

Samantala, ayon naman sa girlfriend nito at volleyball superstar na si Alyssa Valdez ang suspensyon ay malaking dagok hindi lamang kay Ravena kundi pati na rin sa NLEX Road Warriors at Gilas Pilipinas program. (Remate News Team)