#RawAndReal: Mga netizen, napabilib kay Frankie Pangilinan

#RawAndReal: Mga netizen, napabilib kay Frankie Pangilinan

July 6, 2018 @ 2:32 PM 4 years ago


Napabilib ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Simone Francesca Emmanuelle o mas kilala bilang si Frankie Pangilinan ang mga netizen sa kanyang no-filter selfie.

Inamin ng 17-year-old showbiz royalty daughter na hindi talaga maganda ang kanyang balat pero hindi ito rason para ikahiya ang kanyang mukha.

“My skin hasn’t been the best recently because I haven’t been able to get the best sleep or stay hydrated as I usually am, so I thought I’d show you – it’s super normal to get texture and scars and it’s nothing to be ashamed of!,” ayon sa caption ng selfie nito.

Bukod dito, inanyayahan din niya ang iba pang mga kabataan na gaya niya na mahalin ang kanilang natural na itsura.

“Let’s start normalizing what’s real,” dagdag pa nito.

Bukod kay Frankie, ilan sa mga artista na rin gaya nina Bela Padilla, Zsa Zsa Padilla, at Jessy Mendiola ang nagpapakita ng kanilang natural na itsura. (Remate News Team)