Raymart, binati ang anak, inokray!

Raymart, binati ang anak, inokray!

July 21, 2021 @ 4:16 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kumaliwa o kumanan ay masasagasaan pa rin si Raymart Santiago.

Ganito ang masaklap na sinapit ng aktor nang batiin niya ng happy birthday ang anak nila ni Claudine Barretto na si Santino.

Santino turned 14 nitong July 19, Lunes.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Raymart na kahit lumaki na raw si Santino ay ito pa rin ang kanyang baby boy.

Walang pagkakataon para magkita ang mag-ama dahil nasa lock-in shooting si Raymart sa Pola, Oriental Mindoro.

Hirit ng isang netizen, hindi sapat ang basta binati ni Raymart ang anak. Mas kailangan daw tuparin ni Raymart ang kautusan ng korte na magbigay ng regular na sustento sa kanyang mga anak.

Kinontra naman ito ng isang netizen na nagsabing “greedy” lang daw si Claudine gayong co-parenting dapat ang maging kasunduan nila ng aktor sa usapin tungkol sa mga gastusin ng kanilang mga anak. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •