Raymond, naka-experience ng prosti!

Raymond, naka-experience ng prosti!

September 15, 2022 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Para sa magaling at award-winning actor na si Raymond Bagatsing, isang kakaibang experience ang makatrabaho ang mga nakababatang aktres tulad nina Janelle Tee at Ava Mendez na kasama niya sa pelikulang “The Escort Wife.”

Sey pa niya, naa-appreciate raw niya ang eagerness ng mga ito na matuto sa kanilang craft, bagay na nakikita niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbusiness.

Sey pa niya, nag-enjoy daw siya sa pakikipagtrabaho sa mga ito.

Ang pagiging playful daw at palaban ni Ava ang isang bagay na maituturing niyang bentahe ng aktres samantalang ang pagiging malalim o thinking actress naman ng dating beauty queen na si Janelle Tee ang nakikita niyang plus factor nito.

As an actor, ramdam niya ang dedikasyon ni Janelle sa kanyang craft kaya saludo raw siya rito.

Masaya naman ang actor nang malaman na gusto pa siyang makatrabaho ni Ava sa succeeding projects nito na walang kiyeme sa kanilang sex scenes.

Nakaka-relate raw siya sa mga co-stars dahil pinagdaanan din daw niya ang mga nararanasan ng mga ito ngayon noong baguhan pa siya.

Sa tunay na buhay, ayaw namang magmalinis ni Raymond dahil may real-life encounter daw siya sa prostitute pero wala raw namang hanky-panky sa kanilang naging pagkikita.

Katunayan, nakasalumuha pa nga raw niya ang mga ito pero higit sa lahat ay naging bahagi lang sila ng kanyang pag-obserba bilang actor.

Naniniwala si Raymond na nakatutulong na maintindihan niya ang pinagdadaanan ng iba’t-ibang tao sa kanilang propesyon para na rin sa immersion niya o pag-aaral ng isang role.

Gayunpaman, ayaw daw naman niyang husgahan ang escort girls na nasasadlak sa prostitution.

Ang The Escort Wife ay mula sa panulat ni Yam Laranas at sa direksyon ni Paul Basinillo. Mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 16. Archie Liao