Rayver, namanhikan na kay Julie Ann?

Rayver, namanhikan na kay Julie Ann?

July 14, 2022 @ 8:17 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Imagine Rayver Cruz’s family sa bahay nina Julie Ann San Jose, ano pa ba ang puwedeng isipin?

What else kundi may pamamanhikan nang naganap!

Sa side ni Rayver, kasama niya ang kapatid na si Rodjun with his wife Dianne Medina in tow.

All smiles naman si Julie Anne na pamilya na ang tawag sa partido ni Rayver.

Maging ang “bilas” ni Julie Ann na si Dianne ay thankful sa naging bonding ng dalawang pamilya.

Aliw din ang Tiktok ng foursome.

Kung ang mga tagpong ‘yon ang basehan, aba, mabibilang na ang araw ng kasalan nina Julie Ann at Rayver.

‘Yun din naman kasi ang post ng mga netizen, “Kasalan na!”

But lest everybody forget, wala pang opisyal na pag-amin mula sa dalawa kung sila na nga.

Anyway, abangan ang muling pagsasama nina Julie Ann at Rayver sa The Clash Season 3.

By then, siguro naman ay may aminan nang nangyari!

Hopefully. Ronnie Carrasco III