Rayver, umaming iniibig si Julie Anne!

Rayver, umaming iniibig si Julie Anne!

May 18, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Tunaw sa kilig ang netizens sa birthday message ni Rayver Cruz for Julie Ann San Jose.

Sa video na kumakalat ngayon online, mapapanood ang mensahe ni Rayver and lines went like this, “You inspire everyone especially me. Gusto ko lang sabihin na nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita. Mahal kita.”

Sino ba namang hindi kikiligin? Finally, malinaw na currently ay hinihintay ni Cruz ang aktres.

Madalas kasi sa mga press interviews, safe ang sagot ni Julie Anne at minsan na ring isinagot na si Rayver ang dapat tanungin ng press.

Bukod naman sa mensahe ni Rayver, he gave Julie a hug and handed her a bouquet of flowers.

Thousands of netizens ang hindi pa rin mapigilang i-express ang kilig sa nasabing video.

Pero ang tanong, kailan kaya magiging ready si Julie? Sa next interview kaya? Char. Paula Jonabelle Ignacio