RCEP ‘di magic pill pero mapakikinabangan – Legarda

RCEP ‘di magic pill pero mapakikinabangan – Legarda

March 1, 2023 @ 3:49 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi magic pill ngunit makatutulong para maresolba ang mga problema sa ekonomiya ng bansa ang pagsali nito sa pinakamalaking free trade bloc na Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.

“It is not a magic pill. Hindi po pagpasok ng RCEP ayan na ang ating ekonomiya gaganda. Nasa ating mga ahensiya ng gobyerno ‘yan,” pagbabahagi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa panayam ng ANC.

“It’s a long process but it’s a good opportunity to be at par with our ASEAN neighbors.”

Sinabi rin niya na ang RCEP ay hindi ang kauna-unahang trade deal na pinasukan ng Pilipinas.

Ang RCEP ay kinabibilangan ng 10 Southeast Asian economies kabilang ang China, Japan, South Korea, New Zealand at Australia.

Inilunsad ito noon pang 2012, at ang kasunduan ay pinirmahan noong Nobyembre 2020, at umiral lamang noong Enero 2022.

Sa ilalim ng RCEP, magkakaroon ng mababang taripa at mas bukas na kalakalan ang mga nasabing bansa.

Bago naaprubahan ng Senado noong Martes, Pebrero 28, ang Pilipinas na lamang ang hindi pa nakakasali sa kasunduan. RNT/JGC