RD NG NCRPO, WALANG PAGOD SA PAGSESERBISYO

RD NG NCRPO, WALANG PAGOD SA PAGSESERBISYO

November 8, 2022 @ 11:16 AM 4 weeks ago


IPINAKITA ng National Capital Region Police Office ang kahandaan at lakas ng police force nito, hindi llamang noong sumapit ang UNDAS 2022 kundi gayundin sa pagpapatupad ng seguridad at iba pang disaster response efforts sa gitna ng epekto ng Bagyong Paeng.

Walang humpay ang ginawang pag-iikot at pag-iinspeksyon ni regional director PBGen. Jonnel Estomo sa mga lugar kung saan nagtipon-tipon ang mga residente ng Metro Manila na dumagsa sa ilang mga lugar katulad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange, Manila North at South Cemeteries at iba pang sementeryo at columbaries sa Kamaynilaan.

Sa isinagawang inspeksyon, maikling oras lang para sa impormasyon ng kanyang pagdating ang ibinigay ni Estomo sa kanyang mga commanders on the ground upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa ipinatupad na security schemes.

Personal na kinausap ni Estomo ang kanyang mga tauhan at pinaalalahanan hinggil sa pagpapatupad ng mahigit na mga alituntunin sa mga sementeryo habang isinasagawa ang implementasyon ng

Ipinaalala ng regional director ng Metro Manila ang pagsunod sa IATF standard health and safety protocols.
Inihayag din ni Estomo ang kanyang utos na manatiling mapagbantay laban sa posibleng mga kriminal na naglalayong sirain ang peace and order situation sa paggunita sa Undas.

Magandang bagay na napaghandaan ng NCRPO ang pagdagsa sa sementeryo ng mga taong nasabik na makabisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sapagkat halos dalawang taong hindi nakabisita dahil sa pandemya.

Ang deployed personnel ay nanatili sa itinalaga sa kanilang mga lugar mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa tulong ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at MMDA, Advocacy Groups at Force Multipliers.

Sinamantala rin ng top cop ng NCRPO ang pagkakataon na personal na mabisita at matulungan ang mga residenteng lumikas sa San Juan City Evacuation Center at Bagong Silangan High School sa Quezon City.

Ginagarantiyahan ng NCRPO na ipagpapatuloy ang pagpapakilos ng kanilang mga yunit upang asistehan ang ang local government units at apektadong mga residente sa abot ng kanilang makakaya.