Re-electionists nangunguna sa NCR 2022 elections survey

Re-electionists nangunguna sa NCR 2022 elections survey

January 13, 2022 @ 6:54 PM 7 months ago


Manila, Philippines-Nananatiling nangunguna ang mga re-electionist na alkalde sa Metro Manila.

Sa isinagawang non-commissioned poll noong Disyembre 16-23, 2021 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na sumasaklaw sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region, patok na patok pa rin ang mga re-electionist sa survey ng mayoralty bets.

Sa Quezon City, frontrunner pa rin si Mayor Joy Belmonte na may mataas na trust at performance rating kaya na nakakuha ng 62% ng boto kaysa 35% ni Rep. Mike Defensor sa karera para sa alkalde sa lungsod.

Samantala, nais naman ng mga taga-Navotas City na ipagpatuloy ang mga programa at proyekto ng mga Tiangco kaya suportado nila ang magkapatid na si Mayor Toby Tiangco (85%) na tumatakbo para sa pagka-Kongresista at si Cong. Rey Tiangco (80%) sa pagka alkalde laban sa mag amang Gardy Cruz (5%) at RC Cruz (8%).

Sa Caloocan City naman, kumbinsido naman sa husay at kakayahan ng mga Malapitan kaya top choice si Cong. Along Malapitan na may 75% laban kay Cong. Egay Erice na may 24% rating sa pagka-alkalde ng lungsod. Si Mayor Oca Malapitan naman ay siguradong panalo sa kanyang dating pwesto bilang Congressman na may 83% vote of support.

Si Cong. Ruffy Biazon na tumatakbong mayor ng Muntinlupa City ay ‘di natitinag at nakakuha ng 69% laban kay Marc Red Marinas na nakatanggap ng 26% vote count. Sa Pasig City, malakas pa rin ang supporta kay Mayor Vico Sotto na may 70% laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na may 27% voters’ preference.

Sa Manila, nanguna naman si Vice Mayor Honey Lacuna na may 53% laban kay dating Cong. Amado Bagatsing (28%) at Alex Lopez (12%). Sa Taguig City, lamang naman si Cong. Lani Cayetano na may 68% votes laban kay dating Cong. Arnel Cerafica na nakakuha ng 29% vote count sa karera. Sa Marikina City, si Mayor Marcy Teodoro pa rin ang wagi na may 52% laban kay Cong. Bayani Fernando na may 43%.

Sina Mayor Abby Binay ng Makati City (90%), Cong. Weslie Gatchalian ng Valenzuela (88%),Emi Calixto-Rubiano ng Pasay (87%), Imelda Aguilar ng Las Pinas (86%), Benjamin Abalos Sr. ng Mandaluyong (85%), Ike Ponce III ng Pateros (84%), Francis Zamora of San Juan (80%) at Cong. Eric Olivarez ng Paranaque (67%) ay frontrunners sa 2022 mayoralty race at naghihintay na lang sa kanilang oathtaking. Samantalang  si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon ay nakakuha ng  50% laban sa katunggali- ayon kay Dr. Paul Martinez of RPMD.

“Given our present situation in NCR, the incumbency advantage is very high. The campaign will not just be a ground war, but better social media usage (Facebook) will significantly impact this election,” dagdag pa ni Dr. Martinez ng RPMD.

Ang “Halalan 2022 NCR Survey” ay ipinatupad sa pamamagitan ng face-to-face interviews, at mayroong kabuuang 10,000 respondents na kinuha nang random mula sa 7,322,361 rehistradong botante sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila, na may margin of error mula 2.5% hanggang 3.0 % para sa malalaking lungsod, habang ang margin of error para sa maliliit na bayan na may 850 respondents ay 3.36 porsiyento. RNT