Real Madrid kampeon sa Spanish Super Cup

Real Madrid kampeon sa Spanish Super Cup

January 17, 2022 @ 2:11 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Napagwagian ng Real Madrid ang Spanish Super Cup nang talunin ang Athletic Bilbao 2-0 nitong Linggo nang pagbidahan nina Luka Modric at Karim Benzema na una munang napatawan ng penalty bago nasungkit ang komportableng panalo sa Saudi Arabia.

Ang pagbida ni Modric sa first half at maaga pananalasa ni Benzema sa second half ang sumelyo para sa panalo ng  Madrid, na nakuha ang unang tropeo mula sa gabay ng kanilang coach na si Carlo Ancelotti.

Unang tinalo ng Athletic ang La Liga champions Atletico Madrid para maabot ang final pero nagapi sa King Fahd Stadium ng mas  organisadong Real Madrid na isang beses lang natalo sa 20 laban.

Nauupos na sana ang kanilang pag-asa sa ika-87 minuto dahil nabigyan ng penalty si Eder Militao, pero nasundan ng mintis ni Raul Garcia at nailigtas ang Madrid.

Haharapin ng mga bataan ni Ancelotti ang Elche sa Miyerkules sa quarter-finals ng Copa del Rey at Paris Saint-Germain sa susunod na buwan para sa last 16 ng Champions League.

Sa La Liga, lamang na sa five points ang team. “It’s an impulse, an impulse to keep going,” ayon kay Ancelotti. “We don’t have much time to think because another competition is coming.”

Nagpatuloy si Modric sa kanyang brilyong porma nang umiskor agad sa opener, ang goal na nagtaguri sa kanya bilang oldest goal-scorer sa Spanish Super Cup history sa edad na 36.