‘Real problems’ sa pagsasagawa ng Games sa 2021, pinuna ng opisyal ng Olympics

‘Real problems’ sa pagsasagawa ng Games sa 2021, pinuna ng opisyal ng Olympics

May 22, 2020 @ 8:09 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Australia – Nagbabala ang isang senior Olympics official na nahaharap sa “real problems” ang pagsasagawa ng ipinagpalibang Tokyo Games sa susunod na taon kahit pa pawiin ng bakuna ang banta ng coronavirus.

Ayon kay John Coates, pointman ng International Olympic Committee para sa Tokyo 2020, maaari nang simulan ng mga opisyal ang pagde-desisyon sa Oktubre kung paano maipagpapatuloy ang pandemic-hit Games sa Hulyo 2021.

“We can’t postpone it again and we have to assume that there won’t be a vaccine or, if there is a vaccine, it won’t be sufficient to share around the world,” aniya.

Kung wala ang safety net ng bakuna, magkakaroon ng malaking hamon sa pag-screen sa libo-libong tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We’ve got real problems because we’ve got athletes having to come from 206 different nations,” giit ni Coates.

“We’ve got 11,000 athletes coming, 5,000 technical officials and coaches, 20,000 media, we’ve got 4,000 working on the organising committee there at the moment, there will be 60,000 volunteers coming,” aniya.

“There’s a lot of people.”

Ani Coates, kung may senyales na napigilan na ang pandemic, kung hindi man maalis, sa Oktubre, sisimulan na ng mga opisyal ang paghahanda sa “the different scenarios by which the sport could take place”.

“Do we quarantine the Olympic village? Do all athletes when they get there go into quarantine? Do we restrict having spectators at the venues? Do we separate the athletes from the mixed zone where the media are?” Ulat mula sa Agence France-Presse


  •  
  •  
  •  

Loading...