Rebel Wilson, nag-come out, pinakilala ang girlfriend!

Rebel Wilson, nag-come out, pinakilala ang girlfriend!

June 11, 2022 @ 12:41 PM 2 weeks ago


Hollywood, USA – Edad ang madalas pagbasehan ng mga tao para masabi kung mahahanap mo pa ba ang ‘the one’ for you or too late na.

Pero para sa Pitch Perfect star na si Rebel Wilson, it’s just perfect having found ‘the one’ at the age of 42!

Proud lang naman kasi itong nag-come out at ipinakilala ang very own Disney Princess niya sa buong mundo.

“I thought I was searching for a Disney Prince but maybe what I really needed all this time was a Disney Princess,” pag-anunsyo nito sa Instagram account niya where she used love is love hashtag with screaming rainbow colors.

She also tagged her partner, a designer named Ramona Agruma.

Inulan naman ng rainbow comments as a sign of support ang post ni Rebel.

Kilala si Rebel as Fat Amy sa comedy film na Pitch Perfect kung saan mas minahal at sinuportahan ito as an actress. Paula Jonabelle Ignacio