Rebelasyon ni Digong base sa ‘vetted intel reports’ – Nograles

Rebelasyon ni Digong base sa ‘vetted intel reports’ – Nograles

January 25, 2022 @ 4:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi fake news at hindi inimbento lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isisiwalat nito ukol sa 2022 presidential aspirants dahil suportado ito ng “vetted intelligence reports” kung saan ang Chief Executive lamang ang may access.

“Sinabi naman ni Pangulo kagabi na syempre, as President, he has [a] wide array of sources of information,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, tinukoy nito ang “Talk to the People” ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi.

“Bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, syempre marami po siyang mga sources, vetted intel reports and other various sources at his disposal. So abangan na lang po natin ang Pangulo sa mga further pronouncements niya about that,” ayon kay Nograles.

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte na bago sumapit ang halalan sa bansa ay isisiwalat niya ang mga di umano’y negatibong isyu na tumutugis sa sinasabing “presidentiables”.

Nagbigay rin ang Pangulo ng “teasers” kung saan inilarawan niya ang isa sa Palace bet bilang “too corrupt” habang ang isa naman ay “unworthy” na maupo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Ang susunod na halalan sa bansa ay idaraos sa May 9, 2022.

“Sinabi rin ng Pangulo kagabi na it is his obligation to the people,” ani Nograles na ang tinukoy ay ang naging desisyon ng Chief Executive na pag-usapan sa mga susunod na araw ang presidential aspirants.

“But ultimately, alam naman ni Pangulo na bagama’t obligasyon niya bilang Pangulo …to inform the people, it is the people’s choice. It’s up to you. Nasa taumbayan na po yun kung ano gagawin sa information na yun,” diing pahayag ni Nograles. Kris Jose