‘Recalibration’ ng laban kontra droga, ikakasa muli ng PNP

‘Recalibration’ ng laban kontra droga, ikakasa muli ng PNP

July 30, 2018 @ 2:01 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines –  Inutos ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ngayong Lunes (July 30) ang pag-review ng mga achievements ng mga opisyal sa laban kontra droga.

Inutos ni Albayalde ang review o “recalibration” ng laban kontra droga matapos itong banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) isang linggo na ang nakakalipas.

Mayroong komite na mag-aaral ng anti-drug achievements ng lahat ng police stations. Ang mapag-aalaman na mababang performance ay kailangan mag-adjust ng kanilang operasyon o ‘di kaya’y tatanggalin sa puwesto ang opisyal nito, ani ni Albayalde.

Dagdag pa niya, ang mga pulis ay patuloy na magmo-monitor sa nasa 1,600 na drug users na hindi pa rin sumusuko sa mga awtoridad, mahigit sa 1.2 million drug dependents na nasa rehabilitation center at halos 900 high value target, kabilang na ang nagbebenta ng iligal na droga at kanilang protektor.

“We will not drop our standard guidelines. Rule of law must prevail,” babala ni Albayalde.

Sinasabi rin ng mga pulis na halos 4,200 na Pinoy ang namatay sa laban kontra droga simula noong May 2016 matapos itong manlaban sa mga awtoridad.

Kontra sa tala ng PNP, pinabulaanan ito ng mga right groups na nagsasabing tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga namatay at hindi pa dito kasama ang mga pagpatay sa mga umanoy state-sponsored “vigilantes.” Remate News Team