RECORD HIGH: Halos 40K COVID cases sa 24 oras naitala sa Pinas; 43 tigok

RECORD HIGH: Halos 40K COVID cases sa 24 oras naitala sa Pinas; 43 tigok

January 15, 2022 @ 4:00 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Naitala ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19  sa isang araw sa Pilipinas ngayong Sabado, ayon sa Department of Health.

Sa anunsyo ng COVID-19 bulletin, Enero 15, 2022, nakapagtala ng 39,004 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 23,613 na gumaling at 43 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na 3,168,379 ay nasa 280,813 ang aktibong kaso.

Nasa 2,834,708 naman ang gumaling, at 52,858 ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 13, 2022 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 2.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden