Recording artist na si Maine Mendoza!

Recording artist na si Maine Mendoza!

June 29, 2018 @ 7:05 PM 4 years ago


 

Wow, recording artist na pala si Maine Mendoza!

Pinapirma na pala siya ng kontrata ng Universal Records, bagama’t di pa inia-announce kung kailan ilulunsad ang unang album n’ya.

Ang ini-announce na ay ang dating sikat na singer na si Ito Rapadas ang magpoprodyus ng album ni Maine.

Astig na astig na fans ni Maine, magsimula na kayong mag-ipon ng pambili ng album n’ya. Pag naging hit ang album, malamang na mag-concert-concert na rin siya. Malamang na magkakasunud-sunod na ang gastos n’yo para sa inyong idolo.

Mabuti naman at naalala ng Universal Records na may singing talent ang Dubsmash Queen. Back in 2016, Maine previewed her music skills when she recorded and composed the theme song for her movie with Alden Richards, “Imagine You and Me”. Two years ago na yon, di ba?

* * * *

Magsisimula na pala uli ang “Tawag ng Tanghalan,” the hit ABS-CBN revival of the iconic singing competition.

On “It’s Showtime,” where the contest airs as a daily segment, Year 1 and Year 2 champions Noven Belleza and Janine Berdin took the stage with performances to kick off the fresh season.

They joined music veteran Dulce, whose career was launched in 1975 after she won “Tawag ng Tanghalan.”

Maraming beses na rin naman na nag-guest si Dulce sa It’s Showtime bilang nakagugulantang na singer, but this time around, regular siyang mapapanood sa show bilang isa sa mga hurado, kasama ng mga gaya nina Rey Valera, Rico J. Puno, Ogie Alcasid, at Jaya.

May ini-announce rin ng dalawang bagong mechanics sa “Tawag ng Tahanan”: isa ru’n ay ang pamimigay ng show nang premyo sa makahuhula ng daily winner. Maganda yan: may kita pati viewers!

Ang isa pang bago ay ang “Instant Resbak” flag, na pwedeng iwagayway ng mga hurado–once per season–para isinyal ang pasya nilang pabalikin ang natalong defending champion at bigyan ng pagkakataon na sumali sa “Ultimate Resbak” at the end of the year.

* * * *

 

Maisip kaya ni David Ezra na maging pop singer na rin na gaya ng ina n’yang si Dulce?

Siguro naman ay alam n’yo nang si David Ezra ang isa sa male leads ng “Binondo: A Tsinoy Musical” na magsisimula nang itanghal sa The Theater at Solaire bukas ng gabi (June 29).

Pangatlong bigtime show na ni David Ezra (di po n’ya apelyido ang “Ezra” kundi second name) ang “Binondo.” Hinangaan at pinagkaguluhan na rin siya noon sa “Mabining Mandirigma” at “Aurelio Sedisyoso” ng Tanghalang Pilipino sa Cultural Center of the Philippines. Guwapo siya, tipong artista, dahil movie actor ang tatay n’ya.

Actually, magka-alternate sila ni Arman Ferrer sa “Binondo,” gaya rin ng nangyari sa kanila sa “Mabining Mandirigma.” Bata pa rin at mahusay na actor-singer si Arman. At artistahin din.

Alam n’yo bang ang isa sa leading ladies nina David at Arman ay manugang ng kumedyanteng si Leo Martinez?

Si Sheila Valderrama-Martinez ang pinatutungkulan namin. Misis siya ni Lawrence Martinez, na nasa cast din ng “Binondo.”

Yung isa pang leading lady ay ang TV actress na si Carla Guevara-Laforteza.

Hanggang third weekend pa ng July ang pagtatanghal ng “Binondo,” kaya posible pang makaipon ng pambili ng tiket. May promo offers sa Facebook ang “Binondo” na inia-announce ng bloggers na sina Trixie Dauz at Leo Salazar. Check n’yo, please.

SHOWBYTES ni Danny Vibas