Recruiter ni Ranara pananagutin – DMW

Recruiter ni Ranara pananagutin – DMW

January 26, 2023 @ 11:25 AM 1 day ago


MANILA, Philippines – Tinitignan ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) sa posibleng pananagutan ng recruitment agency ng napatay na overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na dapat ang mga recruitment agencies ay dapat mino-monitor ang kalagayan at iulat sa tamang otoridad.

Nauna nang ibinahagi ni DMW Secretary Susan Ople na sinabi ni Ranara sa kanyang ina ang hindi nila pagkakaintindihan  ng anak ng kanyang employer.

Sinabi ng ina na nagreklamo ang kanyang anak na binantaan pa ang kanyang buhay ng anak ng kanyang amo.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na hinihintay ng DMW ang opisyal na findings mula sa Kuwait authorities habang pinoproseso ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima.

Samantala, tinitingnan din aniya ng kagawaran ang proseso ng recruitment ng mga manggagawang patungo sa Kuwait. Jocelyn Tabangcura-Domenden