Recruitment ng ‘quality’ reservists tututukan ng PH Army

Recruitment ng ‘quality’ reservists tututukan ng PH Army

May 30, 2022 @ 2:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pagtitibayin ng Philippine Army ang reserve forces nito sa pangangalap ng mas maraming de-kalidad na tauhan upang suportahan ang regular military units nito.

Sa pagbisita sa Reserve Command Philippine Army (RCPA) headquarters sa Camp Riego de Dios, Tanza, Cavite nitong Biyernes, nangako si Army commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. Na magbibigay ng suporta para sa reserve units at mas pagbubutihin ang mga pasilidad ng regional community defense groups at community defense centers.

“We also need to streamline our recruitment process so that we can recruit more quality reservists. Rest assured that your headquarters Philippine Army is here to serve you. We will support you in all of your endeavors,” pahayag ni Brawner.

Sa hiwalay na pahayag nitong Linggo, inihayag ni Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad na ang pag-develop sa Army reserve force ay isa sa mga prayoridad ni Brawner.

“Lt. Gen. Brawner also lauded the RCPA leadership for implementing key programs that are aligned with his command guidance ‘SERVE’,” ayon kay Trinidad.

Ang Army ay mayroong halos 790,000 standby reserves na nagbibigay ng development support sa security operations ng Armed Forces of the Philippines, lalo na sa humanitarian assistance at disaster response. RNT/SA