Recruitment sa NPA pinabagal ng COVID – PA

Recruitment sa NPA pinabagal ng COVID – PA

February 10, 2023 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Army nitong Huwebes, Pebrero 9 na posibleng umigting na naman ang recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa mga bagong miyembro nito kasabay ng pagluwag ng mga restriksyon dulot ng COVID-19.

Ayon kay Philippine Army Visayas commander, Lt. Gen. Benedict Arevalo, kasalukuyan na nilang sinusuri at inaanalisa ang mga epekto ng pandemya pagdating sa pagsasagawa ng recruitment ng grupo.

“We feel that COVID-19 also was able to slow down their recruitment,” ani Arevalo.

Sinabi pa niya na ang pwersa ng CPP-NPA sa Panay island ay naglalaro sa 200 hanggang 250.

Bukod sa pandemya, itinuturing din ni Arevalo na ang dahilan ng pagbaba sa recruitment sa CPP-NPA ay dahil sa pinaigting na hakbang ng Regional Task Force to End Local Armed Conflict (RTF-ELCAC).

Kasabay nito, ipinag-utos ng PA Visayas na bilisan ang neutralization sa NPA.

“Let us not wait for our enemy to die of old age, let us not wait for them to just fade away. We really have to exert pressure on our operations and be able to convince them to go back to the folds of the law if not be captured,” ani Arevalo. RNT/JGC