Recto inihalal na Deputy Speaker

Recto inihalal na Deputy Speaker

July 27, 2022 @ 4:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihalal si dating senador at kasalukuyang Batangas Representative Ralph Recto bilang Deputy Speaker ng Kamara nitong Miyerkules.

Kasunod ito ng panunumpa ni Las Piñas Representative Camille Villar, isa rin sa Deputy Speakers ng Kamara.

Nanumpa naman si Recto sa harap ni Speaker Martin Romualdez ng Leyte. Dumalo sa oath gtaking ang kanyang asawa na si dating Batangas congresswoman Vilma Santos, at kanilanh anak na si Ryan Christian.

Sinuportahan ni Recto si dating Manila Mayor Isko Moreno sa nagdaang Halaln 2022. RNT/SA