Red Cross may accredited “Bakuna Center” na sa labas ng NCR

Red Cross may accredited “Bakuna Center” na sa labas ng NCR

July 13, 2021 @ 6:31 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mayroon nang kauna-unahang accredited “Bakuna Center” sa labas ng Metro Manila ang Philippine Red Cross.

Ayon sa PRC, ito ay matatagpuan sa Valencia Hall ng Bulacan State University sa Malolos, kung saan nakapagbakuna na ng 160 indibidwal mula sa kategorya ng A1 hanggang A3 gamit ang Sinovac vaccine mula sa local government units.

Binigyan diin naman ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon na mas mabilis na matatalo ang virus ng COVID-19 kung mas maraming indibidwal ang mababakunahan.

Sa pamamagitan aniya nito ay makakabalik ng ligtas ang mga tao sa kanilang trabaho ,pag-aaral gayundin paara makapagbukas na ng tuloy tuloy ng ekonpomiya  at makatulong na mawakasan na ang pandemya.

Sa ngayon, ang “Bakuna Center” ng PRC Bulacan Chapter ay nakapagbakuna na ng 482 indibidwal na mga residente ng Bulacan.

Maari namang magregister an gang isang indibidwal na interesadong magpabakuna  sa https://bakuna.maloloscity.gov.ph/recipients/register.

Ang akreditasyon  ng “bakuna center” ng PRC Bulacan Chapter ay ipinagkaloob ng Department of Health noong Hunyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden