Red, Orange at Yellow rainfall warning ng PAGASA, alamin!

Red, Orange at Yellow rainfall warning ng PAGASA, alamin!

October 29, 2022 @ 10:36 AM 1 month ago


UPDATE AS OF 9:30AM, 10/29/2022

MANILA, Philippines – Itinaas na ang Quezon province sa red rainfall warning dahil sa malakas na ulan dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ito ay ayon sa 9:30 a.m. heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA kung saan ang nasabing probinsya ay mayroong seryosong banta ng pagbaha dulot ng malakas na ulan.

Samantala, nakataas naman ang Orange Rainfall Warning sa Laguna, Rizal at Batangas na maaari ring magdulot ng pagbaha.

Ang Metro Manila naman kasama ang Cavite at Bulacan ay nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning kung kaya’t pinag-iingat naman ang mga residente na nakatira sa flood-prone areas na maging alerto sa posibilidad ng mga pagbaha.

Mahina hanggang katamtamang ulan na minsan ay may kalakasan din ang nakakaapekto sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.

Magtatagal ang babala ng malakas na pag-ulan sa loob ng tatlong oras. RNT/JGC