Red-tagged UCCP leaders, mga pamilya ginawaran ng SC ng temporary protection

Red-tagged UCCP leaders, mga pamilya ginawaran ng SC ng temporary protection

December 17, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Supreme Court (SC) ng writ of amparo at temporary protection order pabor sa dalawang pastor at isang lay leader ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at kanilang mga pamilya.

Sa resolusyon na isipinapubliko nitong Biyernes, ang SC “grant the temporary protection order prohibiting respondents from going within a radius of one kilometer of petitioners and their immediate families.”

Nitong nakaraang buwan, naghain sina UCCP pastors Edwin at Julieta Egar at lay leader Ronald Ramos, dating barangay captain, ng writ of amparo sa SC at sinabing patuloy ang pagbabanta at paglabag ng mga miyembro ng Army’s 59th IB sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad maging sa kanilang pamilya.

Ayon sa petitioners, pinilit sila ng mga sundalo na “sumuko”  at umamin na bahagi sila ng New People’s Army (NPA) sa kabila ng kakulangan sa ebidensya.

Idinagdag nila na mayroong “outright threat of a military operation” laban sa kanila base sa ilang text messages na natanggap nila.

Kabilang sa respondents sa petisyon sina: Armed Forces Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, Philippine Army Commending General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., Commanding officer ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army Maj. Gen. Roberto Capulong, 59th IB commander Lt. Col. Ernesto Teneza Jr., at enlisted men ng batalyon.

Iniatas ng SC sa respondents na magkasa ng “verified return” ng writ of amparo sa loob ng “20 days after service” at magsumite ng kanilang komento maging supporting documents na naglalaman ng mga sumusunod:

  • “The lawful defenses showing that they did not violate or threaten with violation the right to life, liberty, and security of petitioners;

  • The measures taken to determine the fate of the petitioners as well as to identify the persons responsible for the threat;

  • Other relevant pieces of information related to the threat.”

Ang writ of amparo ay remendyo sa sinumang pinagbabantaan o nilalabag ang right to life, liberty, at security. Kagaya ng writ of habeas data, malaki ang preventive at curative role nito sa pag-iwas extrajudicial killings at enforced disappearances. RNT/SA