‘Red-tagger’ ni Liza Soberano, kinuyog!

‘Red-tagger’ ni Liza Soberano, kinuyog!

October 17, 2020 @ 1:27 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Usap-usapan ngayon ang pag-participate mg aktres na si Liza Soberano sa isang online seminar na in-organize ng youth arm ng women’s rights group na Gabriela.

 

Dahil dito ay umani ng sandamakmak na reaksiyon ang online guesting ni Liza at may isang YouTuber pa na nagngangalang Maui Becker ang nag-red tag sa aktres.

 

“Kapamilya actress Liza Soberano joins Gabriela Youth, a front of the communists!” sabi pa ni Maui.

 

Sa isang YouTube livestream ay inere pa ng vlogger ang isang portion ng speech ni Liza tungkol sa violence against women and children.

 

“I was afraid that people would judge me. They would say what do I know, I’m just a girl, I’m just an actress,” sabi pa ni Liza.

 

Sinagot naman ito ni Maui at sinabi niyang: “Yes, tama. Ganu’n, intindihin mo na lang ang trabaho mo. 

 

“Pero sige, kalayaan mo ‘yan pero make sure lang na knowledgeable ka sa mga bagay-bagay..

 

“E, ngayon mukhang wala kang alam na ‘yung Gabriela ay salot sa lipunan, miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA. At wala kang ka ide-ideya. 

 

“E, kung ganyan na wala kang kaalam alam Liza, e manahimik ka. At hands off our children, Liza…” sabi pa ng vlogger na sinundan pa niya ng masakit na salita.

To the rescue naman agad ang mga supporters ni Liza at saka pina-trending ang #defendLizaSoberano.

 

“Being a progressive thinker doesn’t make one a communist. Red-tagging is criminal. Reported,” depensa ng isang YouTuber.

 

“Red-tagging ito. Good luck kung makasuhan ka,” sabi ng isang netizen.

“Let’s wait and see when she sues you for cyber libel. This is definitely red-tagging,” sabi pa ng isa.

 

 

“THIS IS REDTAGGING. Mass report natin to mga lods, #DefendLizaSoberano!!! Gabriela youth is a LEGAL mass org. Educate yourself po lalo pa’t sobrang sensitive na issue ng red-tagging na sumusuporta sa pagterrorize, pagkulong at pagpatay sa’ting activists na layon lang itaguyod ang hustisya,” sabi naman ng isang nag-comment. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...