Red-tagging itigil, fuel crisis tugunan na lang – Makabayan

Red-tagging itigil, fuel crisis tugunan na lang – Makabayan

March 15, 2022 @ 9:55 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Umalmang muli ang Makabayan Coalition sa administrasyong Duterte na itigil na ang red tagging sa kanilang hanay at sa halip ay itutok ang panahon nito sa pagresolba sa fuel crisis pangunahin na ang pagsusupinde excise tax na ipinapataw sa produktong petrolyo.

Ayon sa Makabayan mas interisado ang gobyerno sa red-tagging sa mga nasa oposisyon para sa 2022 elections kaysa harapin ang problema ng bansa.

“Dinudukot at tinatangkang patayin ang mga kampanyador ng Makabayan, pati mga ‘kakampinks’ [supporters of Vice President Leni Robredo] nirered-tag” paliwanag ni Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas.

Tinukoy ng grupo ang tangkang pagpatay kay progressive-transportation leader at Bayan Muna coordinator Larry Villegas sa bahay nito s General Santos gayundin ang tangkang i-red tag ang mga supporters ni Presidential candidate Leni Robredo.

“We are calling for President Rodrigo Duterte to call for a special session of Congress to finalize the House Bill 10488 approval. Ang problema, red-tagging sa halip na tax-cutting ang inaatupag ni Duterte”giit naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

Ang HB 10488 ang syang panukalang nagsususlong ng pagsususpinde ng pagpapataw ng excise tax sa petroleum products, sa oras na maipatupad ito ay agad na bababa ng hanggang P10 kada litro ang presyo ng langis sa lokal na merkado.

Dahil nakarecess ang Kongreso ay tanging si Pangulong Duterte lamang ang maaaring magpatawag ng isang special session para talakayin ang HB 10488. Gail Mendoza