‘Red-tagging’ ng PH gov’t, kinondena ng SF Fil-Ams

‘Red-tagging’ ng PH gov’t, kinondena ng SF Fil-Ams

January 9, 2023 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinondena ng mga aktibistang Fil-Am na nagtipon kamakailan sa labas ng Konsulado ng Pilipinas sa San Francisco ang kanilang mga pagkabigo matapos makatanggap ng mga ulat na mayroong isang US speaking tour na nagtatampok sa Anti-Terrorism Council (ATC) ng Pilipinas.

Nilikha ang ATC kasunod ng pagpasa ng ‘The Anti-Terrorism Act of 2020,’ na nagpaparusa sa sinumang opisyal na itinuturing na nag-udyok ng terorismo sa pamamagitan ng ‘speeches, proclamations, writings, emblems, banners and other representations.’

“Learning about the Anti-Terror Council coming to the US really affirmed our fears that there was an overseas implementation of the council which, in the Philippines, we know as the council or the folks who arbitrarily decide who is a ‘terrorist’,” ani Pyxie Castillo ng Gabriela USA.

Napansin ng mga aktibista na patuloy ang red-tagging ng mga aktibistang Fil-Am  mula nang maipasa ang anti-terror law sa ilalim ng Duterte administration.

“San Francisco State here in SF has been tagged, the whole community, for doing things like vigils for the killing of Lumads as they continue to heighten the campaign to defend Lumad struggles,” sabi ni Castillo.

Noong 2019, binaril si Brandon Lee, isang aktibistang Chinese American na naninirahan sa Pilipinas, gg hindi kilalang mga salarin, kaya naparalisa siya. Aniya, assasination attempt ito ng pamahalaan ng Pilipinas dahil sa kanyang trabahong pagtatanggol sa katutubong komunidad sa lalawigan ng Ifugao.

Inihirit ni Lee at kanyang mga tagapagtaguyod ang isang pulong sa Konsulado ng Pilipinas sa San Francisco upang ihayag na ang pag-atake sa kanya ay isang halimbawa ng red tagging.

“We’ve been trying to meet with them pero hindi nila narinig. And we’ll keep trying. We’ll keep speaking up for the Filipino community,” giit ni Lee.

Para sa superbisor ng SF na si Gordon Mar, “as public officials and representatives of our government, we have a responsibility to listen and engage with everybody in our community. So it’s pretty shocking to see what’s happening here at the lack of basic communication with the Filipino community here around these urgent issues here at the Philippine Consulate.”

Wala pang komento ang konsulado ukol sa protesta. RNT/SA