Red-tagging organizations ban sa UP 

Red-tagging organizations ban sa UP 

October 30, 2020 @ 4:44 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Inihayag ngayong Biyernes ng UP community na lahat ng organisasyon na may red-tagged personalities ay pinagbabawalang magdaos ng anomang event sa loob ng University of the Philippines.

 “UP has been hounded by the Duterte government’s malicious red-tagging for years,” ayon kay Froilan Cariaga, UPD University Student Council Chairperson.

Aniya, hindi nila hahayaang makapasok sa loob ng bakuran ng UP ang mga ito dahil mangangahulugan ito na manganganib ang mga progresibong kabataan at community members.

Nauna rito, inihayag ng League of  Parents of the Philippines na magsasagawa sila ng protesta sa UP Diliman.

Bilang tugon, nagsabit ang mga miyembro ng UP community ng signage na nagbabawal sa mga organisasyon sa Quezon Hall ng UP Diliman.

Sinabi ni UP Diliman Chancellor Fidel Nemezo na hindi nila hahayaang makapagsagawa ng anomang aktibidad ang mga ito sa loob mismo ng UP.

Sinabi naman ni Aldrin Nera, UP Rises Against Tyranny and Dictatorship Convenor, na ang naturang gawain ay isang uri ng pangha-harass at pagbusal sa adhikain ng organisasyon.

Nagpakalat pa umano ang mga ito ng kapulisan sa loob ng campus, kumukuha ng larawan ng mga estudyante at staff at lumalabag sa kasunduan ng UP-DND.

Nauna rito, kinasuhan ang youth organization na Anakbayan at dinismis ang youth leader na si Sarah Elago dahil sa kabiguan nitong ikonek ang legal democratic organization sa Community  Party of the Philippines, National Democratic Front at New People’s Army.

“We UP students are exercising our legal right to organize for democratic rights such as accessible education,” ayon kay Ajay Lagrimas, Anakbayan UP Diliman spokesperson. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...