Red-tagging, panghaharas sa mga guro talupan-grupo

Red-tagging, panghaharas sa mga guro talupan-grupo

November 24, 2022 @ 8:28 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkaalarma ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa ilang insidente ng red-tagging at harassment sa mga miyembrong-guro nito.

“These vile acts all intend to terrorize and silence our teachers and our unions who have been vocal in exposing the blatant state of neglect of education and teachers’ welfare,” ani ACT secretary general Raymond Basilio sa isang pahayag.

“We call on all government agencies tasked to protect our right to organize [to] uphold your mandate and prevent the security forces from terrorizing our members,” dagdag pa niya.

Binansagan din ni Basilio ang mga pag-atake bilang “walang kabuluhang mga paglabag” sa kanilang karapatan sa organisasyon at kalayaan sa pagsasamahan at pananalita.

Ang pahayag ay ginawa bago ang paggunita ng International Human Rights Day at ang imbestigasyon ng International Labor Organization sa mga paglabag sa mga karapatan ng unyon ng manggagawa sa Pilipinas noong Enero 2023.

Ayon sa ACT, bukod sa red-tagging, ini-stalk din ang mga miyembro nito at isinailalim sa surveillance. Nakatanggap din daw sila ng mga tawag na nagbabanta. RNT