Red tide naitala sa 6 na lugar

Red tide naitala sa 6 na lugar

February 23, 2023 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide na higit sa regulatory limit ang anim na lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes, Pebrero 23.

Sa abiso ng BFAR, sinabi nito na naitala ang red tide toxins sa mga shellfish na nakolekta at nasuri sa mga sumusunod na lugar:

– Milagros sa Masbate
– Dauis at Tagbilaran sa Bohol
– San Pedro Bay sa Samar
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Lianga Bay sa Surigao del Sur

ā€œAll types of shellfish and Acetes sp. or “alamang” gathered from the areas above are not safe for human consumption. Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,ā€ saad sa pahayag ng BFAR.

Samantala, sinabi ng ahensya na ligtas na sa red tide ang mga coastal towns ng Panay, President Roxas at Pilar sa Capiz na naunang inilagay sa kaparehong abiso. RNT/JGC