Walang plano sa permanent US base sa Pinas – Austin

February 3, 2023 @2:18 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Estados Unidos na hindi sila interesado sa pagtatayo ng permanent base-militar sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kasunod ng anunsyo ng Department of National Defense (DND) at US Department of Defense na nagkasundo sila sa pagtatayo ng apat na karagdagang bagong lokasyon para sa pasilidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“In terms of EDC locations, I just want to be clear that we are not seeking permanent basing in the Philippines, as you heard us say in our statements, EDCA is a collaborative agreement that enables rotational activities,” sinabi ni Austin sa isinagawang media briefing, matapos makipagpulong kay DND Secretary Carlito Galvez Jr. Huwebes ng hapon, Pebrero 2.
Aniya, ang EDCA locations na ito ay gagamitin para sa pagsasanay at oportunidad na mapalakas ang interoperability ng Pilipinas at US forces.
“It also provides us the ability to respond effectively to humanitarian issues and also disaster relief and other types of crisis, not just for the Philippines but for the regions we are at,” sinabi pa ni Austin.
Sa kaparehong pulong balitaan, sinabi naman ni Galvez na ilalahad ang apat na bagong EDCA locations sa oras na matapos na nila ang konsultasyon sa mga lokal na komunidad kung saan ito ilalagay.
“The President wanted that all actions will be consulted with our local governments and wanted also to see that these agreements of the four EDCA sites will be finished, ” dagdag niya. RNT/JGC
2 sugatan sa dispersal sa barikada vs minahan sa Sibuyan

February 3, 2023 @2:05 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawa katao matapos ang nangyaring dispersal sa human barricade na binuo ng mga residente ng Sibuyan upang pigilan ang mining operations sa lugar.
Ayon sa environmental group na Alyansa Tigil Mina (ATM), gumawa ng barikada ang mga residente dahil sa di-umano ay illegal na mining operations ng Altai Philippines Mining Company, kung saan bigo itong makapagpakita sa mga nagprotesta, ng kaukulang legal na dokumento para makapag-operate.
“Two were hurt after Sibuyonon defenders try to block mining trucks in entering the private port. Three trucks with nickel ores passed through the barricade today,” saad ng ATM sa isang Facebook post.
“Three trucks with nickel ores passed through the barricade today”, sinabi pa ng grupo.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Environment and Natural Resources sa naturang pangyayari. RNT/JGC
PH-US alliance, solido! – DFA

February 3, 2023 @1:52 PM
Views: 20
MANILA, Philippines – Matatag katulad ng isang bato, ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang pahayag na ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Biyernes, Pebrero 3 ay kasunod ng pakikipagkita niya kay US Defense Secretary Lloyd Austin, na bumisita dito sa bansa.
“I had a very good first meeting with [Defense Secretary] Austin. There’s no doubt—PH-US Alliance is rock solid,” tweet ni Manalo.
“We identified key initiatives to improve mutual understanding of our priorities & challenges and to strengthen our relationship in ways that would secure our peoples,” dagdag pa niya.
Samantala, iginiit ni Austin na nananatiling determinado ang US na suportahan ang regional peace at prosperity sa Indo-Pacific region.
“We deeply value our ironclad alliance & working shoulder-to-shoulder with such an indispensable ally & friend,” sinabi naman ni Austin, sa pamamagitan ng kanyang tweet.
Matatandaan na kasabay ng pagbisita ni Austin, nagkasundo ang bansa at US na magtayo pa ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites.
Sinabi naman ng Department of National Defense na, “expansion of the Edca will make our alliance stronger and more resilient and will accelerate the modernization of our combined military capabilities.”
Samantala, sinabi naman ng China na ang mga aksyong ito ng US ay maaari lamang magpalala ng tensyon sa rehiyon. RNT/JGC
Kelot isinelda sa pagdukot at panghahalay sa 12-anyos na nene sa Navotas

February 3, 2023 @1:41 PM
Views: 25
MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagdukot at panghahalay sa isang 12-anyos na dalaginding sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong Abduction at Statutory Rape ang naarestong suspek na kinilala bilang si Danilo Dipay alyas “Dandan”, 28 ng M. Abiola Street, Tangos South, Navotas City.
Ayon sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, alas-7:00 ng gabi noong Pebrero 2 nang personal na magtungo sa kanilang opisina ang ina ng biktimang itinago sa pangalang “Juvy” at naghain ng kanyang reklamo na ang kanyang anak ay dinukot at sekswal na inabuso umano ng suspek.
Ipinaalam ng WCPD duty investigator sa barangay at mga tauhan ng San Roque Sub-Station 2 ang pangyayari na agad namang nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9 ng gabi sa Dike Abiola, Tangos South.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dinala ng suspek ang biktima sa kanyang bahay at doon ay sekswal umanong inabuso sa pamamagitan ng pagpilit sa nene na makipagtalik sa suspek kung saan umabot umano sa humigi’t kumulang 18 oras na hawak ng lalaki ang biktima. Boysan Buenaventura
Pagdaragdag ng 4 na bagong EDCA sites sinupalpal ng Makabayan bloc

February 3, 2023 @1:39 PM
Views: 22