Red, yellow alert sa Luzon inalis na ng NGCP

Red, yellow alert sa Luzon inalis na ng NGCP

June 2, 2021 @ 6:55 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Inalis na ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang red at yellow alert sa Luzon grid matapos ang anim na oras nang itinaas ito.

“As of 3:21 p.m., red and yellow alerts have been lifted by NGCP for the Luzon grid due to receding system demand,” ayon sa abiso ng NGCP.

Itinaas ang Yellow alert mula 8 a.m. hanggang 9 a.m., mula 5 p.m. hanggang 6 p.m., at mula 11 p.m. hanggang 12 a.m.; at Red Alert mula a.m. hanggang 5 p.m. at mula 6 p.m. hanggang 11 p.m.

Mayroong 11,260 megawatts kapasidad mula sa 11,976MW na operating requirement.

“The available capacity has improved with a net increase of up to 265 MW (megawatts) with the early entry of Sual Unit 2 despite the untimely forced outage of Pagbilao Unit 2,” ayon naman sa Department of Energy (DOE). RNT/ELM